Tinuldukan na ni Enrique Gil ang mga bulung-bulungan tungkol sa kanilang relasyon ni Liza Soberano.
Kamakailan ay napabalitang nagkahiwalay na diumano ang magkasintahan. “We are good, we are good. I am busy with all my projects. She is busy with all her projects naman. She is focusing on international work, which is super good for her. Kahit super busy kami, we still support each other no matter what,” paglilinaw ni Enrique.
Mahigit tatlong taon na ang nakalilipas nang huling makagawa ng proyekto ang binata. Ngayon ay nagbabalik si Enrique sa trabaho bilang aktor at isang prodyuser. Pag-aari ng aktor ang Anima Studios na makakatuwang ng Black Sheep, Epic Media at Make-A-Break Productions sa paggawa ng pelikulang I Am Not Big Bird na pagbibidahan ni Enrique. “I don’t want to do something na nagawa ko na. I want to do something different. The problem kasi if you’re too comfortable so you don’t move. Kailangan maging uncomfortable ka para gumalaw ka. So, I really take that into heart,” pagbabahagi ng binata.
Gagampanan ni Enrique ang karakter ni Luis Carpio sa naturang comedy film. Mapagkakamalang si Big Bird na kilalang porn star sa Thailand ang karakter ni Enrique. Sa Thailand din kukunan ang karamihan sa eksena para sa bagong pelikula. “I just want a good time. I want the people to have a good time, to laugh despite sa lahat ng stress sa buhay,” pagtatapos ng aktor.
JC, kinarir ang pagiging doktor
Simula July 25 ay mapapanood na sa TV5 ang Nag-aapoy na Damdamin na pinagbibidahan nina Tony Labrusca, Ria Atayde at Jane Oineza. Kabilang din sa bagong panghapong serye si JC de Vera na gaganap bilang si Philip na isang doktor. Bilang paghahanda sa bagong role ay talagang inaral daw ni JC kung paano gumalaw at magsalita ang isang doktor. “Bilang actor hindi naman diyan mawawala ‘yung panonood mo ng iba’t ibang movies pagdating sa pagiging doktor. So naging part ‘yon, ‘yung panonood ng movies. Pangalawa, I have to talk to a couple of doctors in person para makakuha tayo ng do’s and don’ts. You know the basic stuff kung ano ang mga kailangan kong gawin, on how they explain things lalo na ‘yung mga terms na ginagamit. So very particular kami do’n,” kwento ni JC.
Bukod sa sariling pagsisikap na aralin ang karakter ay malaki rin ang naitulong sa aktor ng mga direktor ng bagong serye na sina FM Reyes at Benedict Mique. “Of course, with the help of our directors. ‘Yung collaboration ng mga na-research nila and na-research ko, nagawa ko nang maayos ‘yung pagiging doktor. It’s hard. ‘Yung sabi nga ni Ria lahat ng character namin ay may delicate sa pag-portray. So we really have to be careful,” paglalahad ng aktor. — Reports from JCC