SHOW-MY – Salve V. Asis – Pilipino Star Ngayon
July 27, 2023 | 12:00am
May kanya-kanyang interpretation ang netizens sa cryptic Instagram story ni Angelica Panganiban kahapon.
At hulaan din sila kung sino ang tinutukoy nito na hindi aniya siya madalas kumustahin.
“Hmmm… until now hindi pa rin ako madalas kamustahin ng mga fersons. All they want is to see my baby. But not really “visiting” me. Not a single text on how’s my hip injury. If I still have postpartum blues,” ang animo’y emote ng dating actress na ngayon ay abala sa paghahanda sa kanilang kasal ng fiance niyang si Gregg Homan sa Siargao.
Dagdag pa niya “But nasanay naman na ako. Pero walang gulatan kung lumalayo loob ko ha?”