Kabilang na ang Fil-Am rapper na si Ez Mil sa music labels nina Eminem at Dr. Dre na Shady Records, Aftermath Entertainment, at Interscope Records.
Dahil dito, makakasama ni Ez Mil ang piling music artists gaya ni 50 Cent na nakapirma sa tatlong nabanggit na music labels.
Sa pahayag na nakalagay sa website ng Shady Records, sinabing si Eminem ang unang nakadinig sa awitin ni Ez Mil sa internet, at dinala niya ito kay Dr. Dre.
“We’ve never been out there signing a lot of artists, and one of the great things about how we built Shady is how selective we’ve been,” ayon kay Eminem. “And it’s even rarer that Dre and I sign something together—but I heard Ez’s music and was like, ‘this is really special’ so I took it to Dre. We both agreed it would be a great fit and we wanted to work with him right on the spot.”
Ibinahagi rin ni Eminem ang music video ni Ez Mil na “Up Down” sa Twitter at sinabi nito na, “This is why we signed him[.]”
Idinagdag naman ni Dr. Dre sa pahayag na, “I’m really only interested in working on shit that sounds different from anything else going on out there, and only then if I feel I can really bring something to it. Em played me Ez and I had that feeling…that thing that happens when we both know we’ve found something special. And that was it….let’s get to work.”
Unang proyekto ng Fil-Am ang paglabas ng “DU4LI7Y: REDUX,” ang deluxe edition ng kaniyang 2022 LP sa August 11. Kasama sa album ang bagong single na kasama si Eminem na may titulong “Realest.”
Isinilang si Ez Mil, o Ezekiel Miller sa Olongapo at kasalukuyang naninirahan sa Las Vegas, Nevada.
Noong 2021, sumikat ang kaniyang kaniyang awiting “Panalo (Trap Carinosa).” —FRJ, GMA Integrated News