SHOW-MY – Salve V. Asis – Pilipino Star Ngayon
July 29, 2023 | 12:00am
Ba’t kaya may kasamang intriga ang diumano’y hiwalayan ni Heart Evangelista at kanyang glam team?
May mga kinakabit na kontrobersya na parang may kontrata na forever na ang kanilang pagsasama.
Ang liit lang ng showbiz na kumbaga ay sila-sila lang ang gumagawa ng mga pelikula, teleserye, variety shows, fashion shows, etc.
At sa ayaw natin at sa gusto, magkakakakilala halos ang lahat, artista, producers, production crew, make-up artists, stylists, etc.
Dahil paikot-ikot lang naman ang kanilang nagiging katrabao.
Kaya naman nakakalungkot na may kakabit na intriga ang hiwalayan nina Heart at kanyang glam team na matagal din ang pinagsamahan base na rin sa mga pino-post nila.
In fact, parang pamilya na sila, at hindi na lang professional level ang naging pagsasama kundi personal na.
At tulad sa ordinaryong pagsasama, lahat ay may katapusan.
Ang daming parang nakakalokang kwento sa dalawang kampo na parang ‘di naman magandang pakinggan dahil personal na ang mga atake ng magkabilang panig.
Well, sana ay ‘high road’ ang kanilang tahakin.
The most positive and careful course of action, sabi nga.
Sayang ang na-build up image kung dahil sa mga chika ay magiging mapait ang kanilang hiwalayan.
Saka ‘di ba ganun naman.
Kung hindi na sila maligaya sa isa’t isa, wala namang masamang maghiwalay. Na walang talakan sa social media. Move on kaagad.
Kumbaga nagkatulungan naman sila.
Nakilala naman ang glam team ni Heart at kumbaga napaganda rin naman nila si Heart.
Sabay-sabay naman silang nakarampa lalo na sa Europe.
Di ba kung ayaw na nila ang isa’t isa, then be it.
Saka nagbabago naman ang ihip ng hangin.
Pero pag may nasabi ka nang masama laban sa isa, mahirap na ‘yung burahin.
Kaya nga ang laging payo ng mga level headed sa industriyang ito, maging professional at grateful sa mga natanggap na blessing.
‘Wag ding maging sensitive at maging mababaw.
At importante sa lahat na don’t bite the hands that feed you.
At ang bottomline talaga, be grateful all the time.
Ang don’t back-stab anyone dahil hindi ito magandang image na kung kaya mong gawin sa isa, possible na magagawa mo rin ito sa iba.
At siyempre, there’s dignity in silence.
At hindi lang ito para kina Heart at glam team niya, dapat ganun ang sistema ng buhay sa showbiz para walang paglaruan sa social media.
Nauna na ngang sinagot ni Justine Louise Soriano ang isyu na ginamit diumano nila ang credit card ni Heart dahil sa paggastos nila na hindi alam ni Heart ayon sa usap-usapan kaya sila nawala sa team ni Heart. Sinagot ito ni Justine sa Tiktok na “Dear sya lang ang nagmamaxout ng credit card nya. Wala kami paki sa credit card nya.
“Namisinterpret yo ung tiktok nya na asa sg na may 24 [months siyang] babayaran. Sya may gastos nun hello kita nyo naman sguro sa sinusuot nya everyday [‘di ba?]”
Sinabi pa ng make up artist na hindi raw totoong pera ang rason ng paghihiwalay nila pero ayaw daw nitong magsalita.
“Hindi yan ang true reason ng falling out, that was created to pivot the story. But again. My mouth will remain shut. Wala kasing ginamit na credit card. I have my own business, i earn on my own,I have 2 credit cards with the limits i needed and i live within my means.”