Sinagot ni Alden Richards ang iba’t ibang katanungan tungkol sa kaniyang pagiging isang celebrity at kung may nais kaya siyang baguhin sa takbo ng kaniyang career.
“None,” saad ni Alden sa video ng Kapuso Exclusives. “A huge part of what we are right now is our past, so nothing has to be changed.”
Inilahad naman ng aktor ang most fulfilling thing para sa kaniya bilang isang celebrity.
“It’s really more of inspiring people with the things that we do. Of course we are here in this position for us to give entertainment, to make the lives of our viewers and supporters a little better every day while watching our contents and the things that we do and at the same time release, ang akin talaga, is ‘yung inspirasyon na naibibigay ko sa supporters ko,” paliwanag ng Asia’s Multimedia Star.
Tinanong din si Alden na kung maibabalik ang nakaraan, ano ang ipapayo niya sa kaniyang 18-year-old self.
“Huwag kang tamad, huwag kang masyadong magpalunod sa overthinking mo, at saka huwag kang masyadong magpaapekto sa mga tao sa paligid mo. Always fulfill your dreams, ‘yung goals mo, when that’s clear to you, kayang kaya mo ‘yan ma-fulfill once you have that passion. So keep on dreaming,” ayon sa Kapuso star.
Nakatakdang mag-host si Alden sa upcoming show na “Battle of the Judges Philippines,” kung saan magiging judge sina Boy Abunda, Ms. Annette Gozon-Valdes, Jose Manalo, at Bea Alonzo. —FRJ, GMA Integrated News