Game na sumabak si Bea Alonzo sa “guilty” or “not guilty” na pagsagot sa iba’t ibang tanong. Kabilang sa inamin ng Kapuso actress na nagbigay siya noon ng pekeng cellphone number sa isang lalaki. Bakit kaya?
Sa masayang panayam ng Kapuso Exclusives kay Bea, sinabi ng aktres na nangyari ito noong nasa Europe siya.
“I think oo, sa Europe. Yes I did that. Medyo natakot ako kasi nanonood ako ng ‘Taken.’ May nagpakilala sa Europe, cute siya but you know…,” natatawang kuwento ni Bea.
Bukod dito, “guilty” din si Bea sa pag-stalk sa bagong kasintahan ng kaniyang ex.
“Yes, that’s me,” natatawa na nahihiyang sabi ni Bea.
Guilty rin ang sagot ni Bea na sumalang na rin siya noon sa blind date pero hindi raw umubra.
Sa tanong kung na-love at first sight na rin ba si Bea? Sagot niya, guilty ulit.
“Hopeless romantic kasi ako,” pag-amin pa niya na natatawa na rin na puro guilty ang sagot niya.
Happy ngayon si Bea sa kaniyang love life. Katunayan, noong Hulyo 18, naging engaged na sila ng kaniyang nobyo na si Dominic Roque.–FRJ, GMA Integrated News