SHOW-MY – Salve V. Asis – Pilipino Star Ngayon
August 7, 2023 | 12:00am
Hirap pa rin sa pagbubuntis ang misis ni Councilor Alfred Vargas na si Yasmine.
Ayon mismo sa aktor-pulitiko imbes na tumaba tulad sa ibang mga nagbubuntis, pumayat pa ang kanyang misis ng three kilos.
“Ganun kaselan… kasi ‘yung kinakain niya sinusuka niya rin pero kain lang siya nang kain,” kuwento ni Alfred sa isang chikahan with the press recently.
At wala raw itong particular na pinaglilihihan. Lately, aniya ay iba-iba. “Iba-iba eh walang ‘yung isang pinaglilihian. Iba-iba so ang naalala ko ngayon lately tempura, tapos steak kaya medyo mamahalin ‘yung mga ano pero minsan sweets, candies, burger, pizza, pasta, jelly ace.
“So tuwing may hinihingi siya, talagang I go out of my way para lang makuha.”
So may mga madaling araw na eksena ba ‘yan?
“Wala pa. Ang latest siguro mga 11 pm ganon mga 10 pm, 11 pm.”
Actually, unexpected daw ang fourth baby nila.
Gusto nila, pero hindi raw nila inasahan na agad-agad. “Nag-test siya. Kasi nga parang may iba siyang nararamdaman tapos ‘yung mamahalin na test kit binili niya tapos ‘yun na.
“Tapos itinago niya sa akin for a few weeks tapos ang ginawa niya pinaupo ako sa table, may dala siyang box parang regalo. Pagbukas ko ng regalo, positive test. ‘Yung unang pumasok sa isip ko akala ko COVID, positive pala. Tapos nag-iyakan kaming dalawa,” pag-alala ng aktor na ngayon ay mas na-enjoy na sa pagiging konsehal dahil mas natutukan daw niya ang pagiging aktor kesa noong kongresista siya.
Ilang weeks na siya nun? “Siguro seven weeks siya or siguro or six weeks kasi ano na ‘yun eh… Tapos ang ano ko lang medyo nag-aalala rin ako kasi ‘yung last pregnancy niya, ‘yun nga kay Cristiano doon sa bata namin medyo mahirap na. Pero syempre ano ni Lord ‘yan… Fight lang!”
Super excited na raw ang three kids nila. “Ngayon nasa tiyan pa lang ‘yung bunso kinakausap na nila sa tiyan, ‘hi, hello.’, ‘We’re excited to meet you,’ mga ganon sila,” kuwento pa niya na nung kausap namin siya ay hindi pa nila alam na mag-asawa kung anong gender ng magiging baby nila.
‘Yung mga anak mo Italian citizen? “Filipino-Italian po. So meron po silang dalawang passport,” sagot niya sa tanong ni Nay Lolit Solis, na talent manager niya rin.
Dito sila pinanganak lahat?
“Hindi po, ‘yung dalawa kong babae sa Italy, ‘yung lalaki po dito sa St. Luke’s.”
Bakit ‘yung lalaki dito?
“Eh ano po eh mas maganda po kung dito ipanganak kasi magta-travel pa kami sa Italy. Eh dati kasi marami pang kamag-anak si Yasmine sa Italy. Ngayon po ‘yung Mommy niya naka-based na po rito sa atin.
“Although mas mura manganak sa Italy. Zero, wala run babayaran tapos pag-alis mo ng hospital aabutan ka pa ng sandamakmak na diaper.
“Nung nanganak si Yasmine first time public hospital pa paglabas hinahanap ko kung saan magbabayad, saan mag-check out, wala. Paglabas mo ng room mo diretso ka na lalabas. Wala ka nang pipirmahan. Wala ka nang ano.”
Sundot na tanong pa ni Nay Lolit kung maganda ‘yung hospital doon dahil ba’t libre?
“Maganda. Mga ka-level niya, Cardinal Santos. At least walang babayaran mag-check out ka ‘di ba ‘yung ganon in-admit ka tapos may pipirmahan ka na. Wala, okay na kayo. Labas lang.”
To date ay 15 years na since mag-umpisa ang relasyon nila ng misis. “2008 kami nag-meet eh. Tapos 2010 we got married civil. Tapos 2017 we got married (church). Tapos ang plano namin every 7 years magre-renew kami ng vows.”
Masuwerte raw kasi sa kanila ang number 7.
Fifteen weeks na ang pinagbubuntis ng kanyang misis.
Bukod sa mabilis silang nakagawa ng fourth baby ng misis, may mga nagawa rin siyang pelikula nang iwan ang kongreso at magpalit sila ng posisyon ng kapatid niyang si Cong. PM Vargas.
Pag-amin niya, hindi na madalian ang kanyang taping o shooting at hindi na rin siya pinapatay kaagad sa mga eksena. “Buo na hindi ‘yun pilot episode lang tapos pinapatay. Sa Unica Hija, sa Legal Wives ‘di ba ganun…pero ngayon dati kasi feeling ko na-enjoy ko talaga ‘yung panahon ko ngayon. I have more time with my family lalo na on the way si misis tapos natututukan ko na rin… kasi bed rest palagi so she can only do activities a day mga 15 minutes tapos bed tapos kain na.”