Tuloy ang pasaring ni Joey de Leon.
Oo nga at wala naman siyang binabanggit na particular na pangalan, of course, hulang-hula na yarn.
Post niya na naman kahapon “Hindi masamang magsaya kung tama ang dahilan. Hindi masamang magbunyi kung wala kang nilamangan…at ninakawan!—-crEATor ”
Pinag-uusapan ngayon ang pagpabor ng korte sa renewal ng trademark ng TAPE Inc. sa Eat Bulaga.
Nauna na itong (Joey) nag-post ng “Sa kanila ang RENEWAL, sa amin ang NUMERAL!”