August 13, 2023 | 12:00am
Kelan kaya ipalalabas sa Pilipinas ang pelikulang nagpanalo ng Best Actor kay John Lloyd Cruz sa Locarno Film Festival sa Switzerland?
Ito ay ang Essential Truths of the Lake na obra ni Direk Lav Diaz.
May nabasa akong synopsis na tinalakay nito ang ang buhay ng pulis na si Hermes Papauran, isa sa mga pinakamahusay na imbestigador ng Pilipinas na patuloy na naghahanap ng katotohanan.
At nang tanungin kung ano ang nagtutulak sa isang tao na hanapin ang katotohanan, malungkot na sinabi ni Papauran na baka gusto lang niyang patuloy na pasakitan ang kanyang sarili.
Ito ay konektado sa mga nababalita noong madugong mga pagpaslang sa nakalipas na administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipinapagpatuloy ng imbestigador ang kanyang pakikibaka upang mahanap ang solusyon sa isang 15-taong-gulang na kaso sa paligid ng isang bulkan.
Malalim ang kuwento ng pelikula ni Direk Lav.
Karaniwan ding inaabot ng kung ilang oras ang mga pelikula ng award-winning director na sumikat sa tinatawag nilang ‘slow cinema’ dahil walang masyadong galaw ang camera, mabagal ang mga pangyayari, mahaba ang kuwento etc.
Maraming natuwa sa panalo ni John Lloyd sa Switzerland pero wala ngang nakakaalam kung saan at kelan ito mapapanood sa Pilipinas.
Anyway, aside from John Lloyd bida rin sa pelikula si Shaina Magdayao.
Dumalo rin ang actress sa Locarno Filmfest.
Former couple sina John Lloyd and Shaina na grabe ang naging isyu noong naghiwalay sila.
Wala rin may alam kung anong susunod na programa ni John Lloyd matapos ang season break ng Happy ToGETher sa GMA 7.
May naririnig akong kwento na may mga binibigay namang script sa mahusay na actor pero wala raw itong napipili.