Gloc-9’s ‘Kakampi’ is For Those Who’ve Got Your Back

Gloc-9’s ‘Kakampi’ is For Those Who’ve Got Your Back

Life’s a rollercoaster, but when you’ve got the right person by your side, every twist and turn feels a little easier. That’s the vibe behind “Kakampi,” the latest track from Gloc-9, Abaddon, and Hero. The word “kakampi” means “ally,” and this song is all about being that ride-or-die partner who sticks with you through thick and thin.

Following Gloc-9’s previous release “Bonethugs,” which explored misunderstandings and quarrels in relationships, “Kakampi” serves as a reminder that at the end of the day, partners are allies who have each other’s backs: “Ramdam ko ang nasa loob, tandaan mo ang ikaw ay ako. Ang pangako’y pang-hawakan mo dahil sumpa ko yan sa’yo, ako’y kakampi mo.

The track is a tribute to the person you can always rely on and grow with, the chorus highlights that perfectly: “Malalampasan din natin ang lahat ng ‘to. Walang hindi kaya, basta tayo’y mag-kasama. Pahinga lang saglit, huminga’t pumikit. Tapos laban ulit, gano’n tayo kalupit. Mas madaling lumaban, mas matindi ‘pag tayo ay mag-kakampi.”

“Kakampi” is out now on all major streaming platforms. Whether you’re in a relationship or you just want to remind someone special that you’ve got their back, this song is the perfect anthem for sticking together no matter what.

“Kakampi” Lyrics

Gloc-9, Abaddon, Hero

Gloc-9 verse

Ramdam ko ang nasa loob, tandaan mo ang ikaw ay ako

Ang pangako’y pang-hawakan mo dahil sumpa ko yan sa’yo

(Ako’y kakampi mo)

Kapag ayaw ko nang tumaya, ikaw ang meron ko sa wala

Mahahanap kahit pumikit, mabulag man ay makakapa

Bingi ma’y ngalan mo lang ang tunog, laman ng pusong lumalagabog

Ikaw ang siyang tanging sumasagip, sa ganda mo ako’y lumulubog

Alam kong hindi madali, tanaw ko kung sa’n ka nang-gagaling

‘Pag naligaw ay uuwi lagi sa pag-mamahalan natin

Chorus

Malalampasan din natin ang lahat ng ‘to

Walang hindi kaya, basta tayo’y mag-kasama

Pahinga lang saglit, huminga’t pumikit

Tapos laban ulit, gano’n tayo kalupit

Mas madaling lumaban

Mas matindi ‘pag tayo ay mag-kakampi

Abaddon verse

Hindi mo maitatago sa’kin ang takot sa’yong mga mata

Ano ka ba? ramdam na ramdam kita

Pa’no kung ‘to na yung dulo? kahit pa na mag-tulungan tayo

Alam kong duda ka din minsan

Ang dami mong tanong, na simple ang sagot

Walang bibitaw, yan ang usapan, ‘lagi lang palag

Oh huwag kang kabahan, ‘di ka pababayaan

Eh ano kung madapa, mahalaga ay mag-kasama

Kahit sa’n pa tayo dal’hin ng mga desisyon

Tama o mali man, ating panindigan

Ilang beses na tayong sinubukan

Kaya ‘di para sukuan, tagusin nating sabay ang kabiguan

Chorus

Malalampasan din natin ang lahat ng ‘to

Walang hindi kaya, basta tayo’y mag-kasama

Pahinga lang saglit, huminga’t pumikit

Tapos laban ulit, gano’n tayo kalupit

Mas madaling lumaban

Mas matindi ‘pag tayo ay mag-kakampi

Hero verse

Ilang beses na ba tayong sinubok ng tadhana?

Nabibigo, nalilito pero ang mahalaga nandito parin

Gano’n tayo katibay

Walang hindi kakayanin, lalo no’ng inalay ang buhay mo sa’kin

Walang ibang hangarin kung’di ang makabawi at tabihan ka sa

Mga oras na kinakailangan ng karamay sa kalungkutan

Nandito ako para malapitan, sa hirap o ginhawa asahan

Kasama mo ‘ko sa kaduluduluhan, huwag kang mangangamba

Huwag kang mag-alinlangan

Hanggang sa magawa nating permanente ang panandalian na kaligayahan dahil

Chorus

Malalampasan din natin ang lahat ng ‘to

Walang hindi kaya, basta tayo’y mag-kasama

Pahinga lang saglit, huminga’t pumikit

Tapos laban ulit, gano’n tayo kalupit

Mas madaling lumaban

Mas matindi ‘pag tayo ay mag-kakampi

Outro

Mas madali ‘pag tayo ay mag-kakampi

Tayo’y mag-kakampi